Ibat-ibang paraan kung paano makakatulong ang kabataan sa kalikasan 1. Pag patay ng mga appliances na hindi na gagamitin, katulad na lamang ng ilaw, kung maliwanag na dulot ng araw, patayin na upang maka ipon ng enerhiya. Isa na rin dito ang tubig, dahil minsan naiiwanan nating patayin ito. Kaya kailangan natin itong patayin kung hindi na gagamitin. 2. Ang paggamit ng walang mga usok na sasakyan kung kinakailangan. Maraming paraan kung paano natin gagawin ito, kung hindi naman kailangan gumamit ng mga may usok, mas mainam gamitim ang bisikleta. 3. Iwasan ang pagkakaingin. Maraming tao ang ginagamit ang paraang ito upang mapabilis nila ang kanilang mga gawain. Kailangan ng itigil ito dahil hindi lamang usok o polusyon nito, kundi maling paggamit din ng mga tira – tirang gamit nito. Maaring gamitin uli ito upang hindi magsayang ng mga pinagkukunan. 4. Batay sa bilang 3, kailangan nating ipatupad o gawin ang 3R’s o ang “Reduce, Reuse, at Recycle”. Ito ang pinkamainam na ga...